KAHIT NA TORPE AKO, PINILIT KONG GAWIN ANG LAHAT NG ITO PARA SAYO (at para saken)… :)
1. Gawing special ang 18th birthday mo kahit na sa bandang huli, natuyo ang lalamunan ko at matorpe ng tuluyan nang ibibigay ko na yung message ko…
2. Pigilan ang sarili kong pagpawisan ng tuluyan dahil sa lakas ng tibok ng puso ko sa tuwing inaalis mo yung eyeglasses mo at nakikita ko ang weakness ko… Ang weakness ko ay ang mga tingin mo…
3. Kahit na iba ang ka-date ko… Ikaw pa rin ang nasa isip ko… Pinilit ko mang alisin ka sa isip ko… Di ko magawa…
4. Isa ka sa mga dahilan kung bakit napupuyat ako ng ganito… napupuyat dahil sa kaiisip… kaiisip… kaiisip… kaiisip sayo… Lagi kang nasa isip ko… Di ko alam kung pano kita aalisin dun…
5. Ikaw pa rin ang nasa isip ko, at ikaw ang nagiging bida ng mga kantang pinapakinggan ko…
6. Nagharana kami ng mga kaibigan ko sa mismong bahay niyo kahit na alam kong ayaw mo… At pangit ang boses ko…
7. Bigyan ka ng mga bulaklak sa Valentine’s Day kahit na “Happy Valentine’s Day” lang ang nasabi ko…
8. Ikaw yung babaeng pinag-effort-an ko ng ganito, at hinding hindi ko pagsisisihan ang ginawa ko, lahat ng ginawa ko… Bigo man o wagi… di ko kailanman pagsisisihan toh…
9. Marami pa akong gustong gawin para patunayan sayo na ikaw talaga ang babaeng gusto ko…
10. Maghihintay ako… Kahit kailan… Basta para sayo… :)